Thursday, September 24, 2015

What's Meron Ba About Conyo??

Ano nga ba ang conyo?  Una sa lahat, ang conyo ay mayroong iba sa coño o konyo. Karaniwang itinuturing ang mga taong kabilang sa mataas na antas ng lipunan na mga coño o konyo. Ayon sa kasaysayan, naunang ginamit ang salitang coño bilang pantukoy sa mga dayong Espanyol na naninirahan sa mga bansang nasasakupan nila tulad ng Pilipinas at Latin Amerika. Ang salitang coño, sa wikang Espanyol  ay nababalot sa konsepto ng kalapastanganan bilang tugon sa mga Peninsulares mula noong 1800s hanggang sa kasalukuyan (Fil.Wikipilipinas, 2008).

Ang conyo naman ang pinaghalu-halong wikang Ingles at Filipino sa iisang salita na ikinabit na sa mga mayayamang pamilyang uma-aligid sa Forbes Park, Dasma Village, Corinthians at iba pa, o di kaya’y sa mga intellectual elite ng mga premyadong unibersidad tulad ng Ateneo, La Salle at sa UP. Ito ay isang privilege dialect, isang paraan ng pananalita na tila mas pinapaigting ang konsepto ng elitismo kung ihahalintulad sa mga tao na nasa ibang social class (Wordpress, 2013).

Maraming nagsasabi na maarte ang mga gumagamit ng conyo. Nagbibigay sila ng maling interpretasyon dito. Maraming kritisismo ang nakukuha ng mga sinasabing conyo kung magsalita dahil sila ang sinasabing halimbawa ng hegemonyang kultural o superyor na pagtingin sa kultura ng mga burgis, kumpara sa mga middle class o working class na kontemporarya nila, pati na rin dahil marami silang na-ibabali na mga tuntunin ng grammar, syntax, at iba pang dimensyon ng lenggwahe. Ngunit, maigi pa rin na pag-aralan natin ito dahil sa panahon ngayon, hindi na lamang ito ginagamit upang tukuyin ang isang paraan ng pananalita o kaya’y pidgin ayon sa mga eksperto sa linggwistika, kung hindi tumutukoy na rin ito sa isang uri ng lifestyle na kadikit ng socio-economic status. Ngayon, hindi
ka na lamang nagsasalita ng conyo kundi ay isa ka ng conyo. Ano na nga ba kapag sinabing conyo (Wordpress, 2013)?

No comments:

Post a Comment