Friday, September 25, 2015

Let’s Not Lahatin The Conyos Mga Friend

Hindi dapat natin hinuhusgahan ang mga Conyo batay sa kanilang pamamaraan ng pananalita. Isa itong salik na maaaring makaapekto sa pakikisama mo sa kanya. Isang hindi patas na pagtingin ang mabubuo sa iyong isipan at maaaring hindi mo makita ang tunay niyang pagkatao. Hindi ibig sabihin na ganoon sya magsalita ay maarte na sya o spoiled-brat dahil may posibilidad pa rin na naimpluwensyahan siya ng dati niyang mga kaibigan.

Napili ang paksang ito dahil nagbago na ang interpretasyon ng conyo. Napili ito dahil sa kritisismo ng marami sa mga conyo na parang hindi Pilipino dahil sa kanilang pamumuhay at pananalita. Magandang pag-aralan ito para malaman ano nga ba talaga ang conyo at saan ito nagmula.

Ang mithiin ng grupo ay mabigyan ng tamang kaalaman ang komunidad tungkol sa conyo; tungkol sa pinagmulan nito at kung ano nga ba talaga ito. Ito ay upang hindi husgahan ng mga nakakakinig ang mga nagsasalita nito. Lagi nalamang sinasabing social climber ang mga conyo o di kaya’y maaarte, ngunit ang katotohanan ay hindi lahat ganito. Aminin nating mahilig manguna ang mga tao sa pag puna ng ng isang tao batay sa pagsasalita o paggalaw nito. Maaaring ang ilan nga ay social climbers, pero meron din naming mga anak mayaman na nasanay sa ingles na sinisikap na magtagalog, at meron din naming mga gumagamit nito upang maging katatawanan.

 

Ang layunin ng konseptong papel ay :
·         Malaman ang pinagmulan ng “conyo” sapagkat kalimitan o halos lahat ng mga Pilipino ay di alam ang salitang conyo.

·         Upang mauunawaan bakit nagko-conyo ang mga tao. Mapapansin kasi natin minsan maiirita lang yung mga ibang tao sa mga nagko-conyo kasi para sa kanila ay nakakarindi at napakaaarte ng mga taong gumagamit ng mga ganitong salita.

·         Upang malaman ang maaaring maging epekto nito sa ating pangkalahatang komunikasyon.  Maiisip kasi ng iba, masisira ang nakagawiang pananalita ng mga tao.  Magiging dahilan ito ng pagiging mahina sa pagtukoy sa kung anong pandiwa, pang-uri o pang-abay ang kailangan gamitin sa isang pangungusap. 

No comments:

Post a Comment